Lesson 1: Ang Bibliya – Ito ba ay totoo?
2 Timoteo 3:16-17
Kinasihan ng Diyos ang bawat kasulatan. Ang mga ito ay mapakikinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid, sa pagsasanay sa katuwiran. Ito ay upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, na naihandang lubos sa mga mabubuting gawa.
1 Pedro 3:15
Ngunit pakabanalin ninyo ang Panginoong Diyos sa inyong mga puso. Humanda kayong lagi na sumagot sa sinumang magtatanong sa inyo patungkol sa inyong pag-asa, na may kaamuan at pagkatakot.
Ang Bibliya ang pinakapangunahing pangangailangan ng bawat mananampalatayang kristyano na dapat malaman at maunawaan dahil sa ito ang iginagalang at Banal na salita ng Diyos . Ito rin ang pangunahing pinagmumulan ng kapangyarihan at katuruan na sinusunod ng mga kristyano.
Ang aklat din na ito rin ay ang pinaka mabentang aklat sa kasaysayan and pinaka kontrobersyal sa kasalukuyan. Sa ngayon maraming mga tao ang nagdududa sa katotohanan at katiyakan ng bibliya and itinuturing na lamang itong kathang isip lamang na walang halaga at kapakinabangan sa buhay ng tao. Dahil rito, maraming kristyano ang nahihirapan ring sagutin ang mga tanong ukol dito ng mga nag-aalinlangan patungkol sa Katotohanan na kinapapalooban ng aklat na ito. Ayon sa 1 Pedro 3:15 … lagi kayong maging handing sumagot sa sinumang humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo.
Why do you think we need to understand the Bible?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
Bilang isang kristyanong mananampalataya, ang Bibliya ay nagtuturo sa atin na huwag tayong magkaroon ng bulag sa pananampalataya sa ating pinaniniwalaan at pag-asa, kundi magkaroon tayo ng buong pagtitiwala sa pamamagitan ng pagbabahagi at pagpapaliwanag kapag mayroong nagtatanong ukol rito. Ang pagkaunawa rito ay makakatulong rin masangkapan ang bawat mananampalatayang Kristiano upang maibahagi ang Mabuting Balita ng Diyos doon sa mga nagdududa at hindi naniniwala dito.
Paano natin malalaman na ang Bibliya ay may katotohanan? At paano ito makukumpara sa ibang relihiyosong aklat?
1) Ito ay isinulat ng mga taong nakasaksi.
Ang Bibliya ay umaayon sa salin ng mga kasaysayan ng mga taong nakakita at nakaranas ng mga angat-kalikasang pangyayari sa panahon ng kanilang buhay. Dahil sa kadahilanang ito, nagagawang maipakita na ang Bibliya ay totoo at dapat gamitan ng pamamaraan ng ebidensya dahil ang mga bagay sa nakaraan ay hindi na mauulit at mapapatunayan sa pamamagitan ng siyentipikong pamamaraan. Ang pinaka mainam na paraan upang maipakita ang mga totoong pangyayari sa nakaraan ay sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga salin ng saksi. Ito rin ang sinabi ng mga alagad ng sila ay nagbahagi ng ebanghelyo sa kanilang panahon
1 Peter 1: 16-19
Sapagkat sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, “Magpakabanal kayo dahil banal ako”. Walang pinapaboran ang Diyos Hinahatulan niya ang mga tao ayon sa gawa ng bawat isa . Kaya kung tinatawag niyo siyang Ama kapag nananalangin kayo sa Kanya, igalang niyo Siya habang naninirahan pa kayo sa mundong ito. Alam naman ninyo kung ano ang ipinantubos sa inyo mula sa walang kabuluhanang pamumuhay na minana niyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyo’y hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak, kundi ang mahalagang dugo ni Cristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Diyos.
1 Juan 1:1-3
Ipinapahayag namin sa inyo ang tungkol sa Kanya na mula pa sa simula ay nariyan na. Narinig naming siya, nakita’t napagmasdan ng sarili naming mga mata, at nahawakan pa namin siya. Siya ang Salita ng Diyos na nagbigay ng buhay na walanag hanggan. Siya na pinagmumulan ng buhay na walanag hanggan ay nahayag at aming nakita. Pinapatotohanan at ipinahahayag namin siya sa inyo, na sa simula’t simula pa ay kasama nan g Ama, at nagpakita sa amin. Ipinapahayag naming sa inyo ang nakita at narinig naming upang maging kaisa naming kayo sa Ama at sa Kanyang Anak na si Jesu-Cristo.
Ano sa palagay mo ang epekto kung ang Bibliya ay isinulat ng mga saksi?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2) Ito ay binubuo ng mga mapagkakatiwalaang makasaysayang dokumento na may isang mensahe.
Hindi katulad ng ibang mga relihiyosong aklat, na isinulat ng isa o ilang mga may-akda na nagaaking banal, ang Bibliya ay naglalaman ng anim napu’t anim (66) na mga aklat at isinulat ng hindi bababa sa apat napu’t apat (40) na iba’t ibang mga may-akda na nagmula sa iba’t ibang bansa sa tatlong makakaibang kontinente, sa loob ng humigit kumulang 1600 taon.
Ang mga may-akda ay nagmula sa iba’t ibang propesyon at katayuan sa buhay. Ito ay isinulat sa tatlong magkakaibang wika na kung saan ang lahat ay nagsasabi ng pagkakaisa ng katotohanan at hindi sumasalungat sa sarili nito.
Ang mga may-akda ay nagmula sa iba’t ibang propesyon at katayuan sa buhay. Ito ay isinulat sa tatlong magkakaibang wika na kung saan ang lahat ay nagsasabi ng pagkakaisa ng katotohanan at hindi sumasalungat sa sarili nito.
Bakit sa palagay mo mayroong pagkakaisa ng katotohanan sa Bibliya sa kabila na ito ay isinulat ng iba’t-ibang may-akda na mula sa iba’t ibang pinagmulan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3) Available Textual Evidence (Mga Tekstong Ebidensiyang Maaring Gamiting)
Walang sinuman ang nag-aalinlangan sa pag iral ng mga sulat ni Plato at Aristotle sa kabila na ang makukuhang bilang ng kopya na kanilang isinulat ay (50) limampong piraso lamang ( Pitong (7) Kopya kay Plato, (49) Apat napu’t siyam naman kay Aristotle. Nakakatuwang isipin na mas maraming tao ang nagaalinlangan sa Bibliya sa kabila na ito ay lubos na sinusuportahan ng mga manuskritong ebidensya o katibayan.
Sa bagong tipan palamang, mayroon nang humigit (20,000) Dalawangpong libong kilalang manuskriptong mga dokumento. Dahil dito ang Bagong Tipan sa Bibliya ay ang pinaka mapagkakatiwalaang dokumento noong sinaunang panahon, kahit na ang dokumento ay isinulat bago pa ang palimbagan.
Kung mayroong maraming magagamit na tekstong ebidensya ang Bibliya, anu ang ibig sabihin nito sa kanyang kredibilidad?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
4) Natupad na Propesiya
Ang iba pang dahilan kung bakit ang Bibliya ay naiiba sa mga relihiyosong aklat ay dahil ito ay naglalaman ng mga hula o propesiya. Ang Bibliya ay naglalaman ng maraming hula o propesiya patungkol sa mangyayari sa hinaharap. Ang Lumang Tipan ay isinulat sa pagitan ng humigit-kumulang 1450 BC and 460 BC.
Sa panahong ito, ang mga propeta ay gumawa ng maraming Biblikal na hula, at ang lahat ng ito ay natupad ng may 100% tumpak, katulad ng kanilang inihula. Lahat ng natupad na propesiya o hula ay nakabatay din sa nilalayong panahon.
Mayroong pang mga hula o propesiya na hindi pa natutupad dahil ito ay patungkol sa wakas ng mga araw at ang ikalawang pagparito ni Hesu-Cristo.
Isa sa mga natupad na propesiya o hula na maari nating tignan ay ang hula ng pagparito ng Mesiyas o Tagapagligtas at ang Kanyang pagdurusa sa krus ng kalbaryo.
Inilalarawan ng Aklat ng Mga Awit 22 kung anu ang mangyayari kay Hesus sa krus bago pa maimbento ang parusang pagpapako sa krus dahil ang Aklat ng Mga Awit 22 ay naisulat noong 979 BC
Basahin natin ang buong kabanata ng Aklat ng Mga Awit 22.
Ngayon alam na natin at naunawaan na ang Bibliya ay totoo, tayo ay magtiwala at ilagak natin ang ating pananampalataya dito. Gayundin ganap tayong sumunod at sundin ang mga sinasabi nito.
Praktikal na Aplikasyon:
1) Ngayong naunawaan muna ang Bibliya ay totoo, paano ito makakaapekto sa inyong buhay?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
2) Dahil ang Bibliya ay totoo, nais mo bang maglaan ng panahon na basahin at pagnilayan ito?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
Prayer Points:
1). Manalangin na ang Espiritu ng Diyos, gumabay at maghayag sa iyo ng totoong kahulugan ng bawat talata na mababasa mo sa Bibliya.
2). Manalangin na ang Bibliya ay maging matibay na sandigan at tanging pinagmumulan ng katotohanan sa iyong buhay
Isulat ang inyong mga refleksiyong sa aralin ito.
Copyright © 2022 by God@Work Church - Singapore.