Taking the Journey - Tagalog

Founding Biblical Direction for New Christian Believer

Overview

Isang mainit na pagtanggap sa pamilya ng God@Work Church Singapore!


Ang pagpapasya na tahakin ang paglalakbay kasama ang Diyos sa pamamagitan ng isang personal na relasyon kay Jesus bilang iyong Panginoon, Tagapagligtas, at Hari ay ang pinakamahalagang desisyon na maaari mong gawin sa iyong buhay. Sapagkat ang desisyong ito ay hindi lamang makaaapekto sa iyong paglalakbay dito sa mundo, kundi pati na rin sa buhay na darating.


Ang paglalakbay na ito kasama ang Diyos ay magiging kapanapanabik, at kami ay nagagalak na maging bahagi ng iyong paglalakbay sa pamamagitan ng pagtulong sa iyong pagsisimula at pagsagot sa ilang mga katanungan na maaaring mayroon ka.

Ako'y nananalangin na ang aklat na ito na Taking the Journey ay makatulong sa iyo na maunawaan ang mahahalagang prinsipyo mula sa Biblia at magbigay ng gabay sa pagtatayo ng iyong pananampalataya sa Kanya.


Sa aklat na ito, makakakita ka ng maiikling aralin at talakayan na tutulong sa iyong paglago sa pagkaunawa kung sino ang Diyos at kung ano ang Kanyang kalooban at layunin para sa iyong buhay. Magsisimula kang tuklasin kung gaano kadakila at kamangha-mangha ang pag-ibig ng Diyos para sa atin.


Simulan natin ang paglalakbay na ito nang magkasama sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pahina ng aklat na ito.


Kay Cristo,

Terence Oliver Rivera

Pastor ng God@Work Church – Singapore










Copyright © 2017 by God@Work Church - Singapore.